Spitfire Browser

Lahat gumagana, walang arte.

Nightly lang muna: experimental pa ang Spitfire kaya asahan ang ilang sabit

Itsura

Browser mo, istilo mo

Maliwanag o madilim, klasikong layout, at community theme na may gumagalaw na wallpaper.

Bagong Tab
Lo-fi radio
Balita sa umaga
Pagsisimula Spitfire Store QGato Mga Recipe Mga Proyekto
Spitfire
Features

Kumpleto na pagbukas pa lang

Yung mga kailangan mo sanang hanapin at i-install isa-isa, nandito na.

Ads? Anong ads?

Naglalaho ang mga patalastas at pop-up bago pa mag-load ang page.

Cookie pop-up, sinasagot na para sa 'yo

Ang Spitfire na mismo ang pumipindot ng "Tanggihan lahat" sa mga cookie banner, kaya hindi mo na kailangang gawin.

Walang kalat, walang kulit

Paalam sa sponsored tiles, sa mga mungkahing kuwento at sa mga pop-up na "subukan ang iba naming produkto". Ang mga binuksan mo lang ang nandito.

Diretso na, walang sponsor read

Kusang nilalaktawan sa mga video ang patalastas ng mga sponsor, mahahabang intro at "huwag kalimutang mag-subscribe".

Balik na ang dislikes

Makikita mo ulit kung ilan ang hindi nakagusto sa isang video, para alam mo kung sulit itong panoorin.

Walang maiiwan

Ilipat ang mga bookmark, password at history mo mula sa Chrome, Edge, Brave, Opera, Firefox at mahigit 20 pang browser sa ilang click lang.

Gumagana rito ang Opera GX mods

Diretsong naii-install sa Spitfire ang mga wallpaper at kulay mula sa Opera GX mods. May mga paborito ka na? Isama mo na rin.

Tabs kahit saan mo gusto

Ilagay ang tabs sa itaas, o isalansan sa gilid. Palitan kahit kailan mo trip.

Trabaho at personal, magkatabi

Mag-log in sa iisang site gamit ang dalawang magkaibang account nang sabay. Dahil sa containers, hiwalay sila kahit nasa iisang window.

Ikaw ang masusunod sa shortcuts

Palitan ang anumang kombinasyon ng key ayon sa komportable sa 'yo, at libutin ang Spitfire nang hindi humahawak ng mouse.

Ayos na pasok sa panlasa mo

I-right-click ang toolbar, piliin ang Customize, at i-drag ang mga button papasok, palabas at paikot hanggang swak na sa 'yo.

Tuloy ang nood habang nagba-browse

Ilabas ang kahit anong video sa sarili nitong maliit na window. Nananatili ito sa ibabaw habang lumilipat ka ng tab, nagbabasa ng email o tinatapos ang mga gawain mo.

Tago ka kapag kailangan

Lumipat sa Anonymous Mode at idadaan ang browsing mo sa Tor network, kaya hindi malalaman ng mga site kung nasaan ka.

Ibang mukha sa bawat bisita

Sinusubukan ng mga website na kilalanin ka gamit ang computer mo. Binibigyan sila ng Spitfire ng random at pekeng detalye, iba-iba sa bawat isa.

Bawas ang nakamasid sa 'yo

Karamihan ng website ay kumukuha ng fonts at code sa iilang malalaking kumpanya, kaya nakikita ng mga kumpanyang iyon ang bawat site na binibisita mo. Nakapaloob na sa Spitfire ang mga sikat dito, kaya mas kaunti ang koneksyon ng mga page, mas mabilis mag-load at mas pribado.

Bawal sumilip ang internet provider mo

Naka-encrypt ang koneksyong gamit ng Spitfire sa paghahanap ng mga website, kaya hindi basta mababasa ng ISP mo kung saan ka pupunta.

Sariling search engine

Sabay-sabay na kinukuha ng QGato ang mga resulta mula sa iba't ibang serbisyo sa paghahanap. Walang account, at hindi nito tinatandaan ang mga hinahanap mo.

Sulitin ang PC mo

May mga bersyon ang Spitfire na ginawa para sa mas bagong processor, kaya mas bumibilis ito sa computer na meron ka na.

Kumpleto ang emotes

Lumalabas mismo sa live chat ng Twitch, YouTube at Kick ang mga custom na reaksyon ng streamer. Walang kailangang add-on.

Hindi mo trip? Napakaliit nito (mga 0.14 MB) at tulog lang ito sa ibang site.

Pribado talaga

Ang Chrome, Firefox at maging ang Brave ay nagpapadala ng data tungkol sa 'yo pabalik sa kanila bilang default, may mas marami, may mas kaunti. Ang Spitfire, walang ipinapadala. Hindi "anonymous naman", hindi "para gumanda ang produkto". As in wala.

Store

Store na puno ng gawa ng komunidad

Siksik sa tema, tunog, layout at iba pa mula sa mga user, lahat isang click lang ang layo.

Mga tema

Bagong kulay para sa tabs at toolbar, kasama na ang lahat ng galing sa Firefox.

Mga Layout

Ilipat ang tabs, toolbar at menu kung saan mo gusto.

Mga Wallpaper

Larawan o gumagalaw na video sa likod ng bawat bagong tab.

Mga Accent

Piliin ang highlight na kulay sa buong browser.

Mga Web Style

Baguhin ang itsura ng bawat site.

Tunog ng browser

Mga click at chime habang ginagamit mo ito.

Tunog ng keyboard

Nakaka-satisfy na tik-tak sa bawat pindot mo.

Musika

Kalmadong tugtog habang nagba-browse ka.

Mga Extension

Gumagana ang kahit ano mula sa add-on site ng Firefox.

Mga Bundle

Ilang extension na sabay-sabay na naii-install.

Mga Config

Handang settings, naka-on sa isang click.

Opera GX mods

I-drag lang mula sa Opera GX, gagana agad.